Martes, Mayo 20, 2014

Masasamang Bisyo ng Kabataan, Paano Mapipigilan?




Pagsusugal, paninigarilyo, pag-inom ng alak, paggamit ng droga at iba pang ipinagbabawal na gamot. Ilan lamang ito sa mga masasamang bisyo na kinahuhumalingan ng ilan sa ating mga kabataan ngayon. Bakit nga ba nahuhumaling ang karamihan sa mga bisyong ito? Bilang isang estudyante at kabataan, ano ang magagawa natin upang sila ay mapigilan at mailigtas sa hudyat na kapahamakan?

MASASAMANG BISYO NG KABATAAN

  •        PANINIGARILYO


Ayon sa survey, paninigarilyo ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan ngayon ng maraming kabataan. Halos kalahating porsyente sa bilang n gating mga kabataan sa ngayon ang nakatikim o nakaranasan nang manigarilyo. Dito sa ating bansa, ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.

Ano nga ba ang masamang epekto ng sigarilyo sa buhay ng isang “chain smoker” ng marami nating kabatan sa ngayon, o may mabuti bang idudulot ang paninigarilyo sa kanilang sarili at sa kanilang buhay?


 Marahil marami sa atin ang nag-iisip at nagtataka kung paano ba nahuhumaling ang isang kabataan sa sigarilyo? Ano ba ang napupulot nila dito? May kasiyahan bang dala ang sigarilyo sa kanilang pang-araw araw na buhay? Ilan lamang ito sa mga tanong n gating mga kabataan sa kanilang isipan na hindi pa nararanasan ang ganitong bisyo. Dito pumapasok ang salitang “curiosity”, ang pagiging curious ng kabataan ang magsisilbing hudyat sa kanilang isipan upang subukan ang isang bagay gaya ng paninigarilyo at dahil na din sa masasamang ehemplo ng kanilang kaibigan o kabarkada. Bilang isang kabatan, sumagi din sa isip ko ang mga katanungang iyon. Una kong tinanong ang aking mga kaibigan at aking mga kakilala kung mayroon ba talagang ligayang hated ang paninigarilyo sa kanilang buhay? Bakit ba nila ito ginagawa? “Pampatanggal ng kaba o pampakalma, pampalipas oras o isang libangan, tingining astig at macho”, ito ang karamihan sa kanilang mga kasagutan. Ito daw ang sarap o ginhawang dala sa kanila ng yosi o sigarilyo. Ngunit kung ating mapapansin, diba’t puro pansariling kasiyahan lamang ang kanilang nararanasan? Sa pangkalahatan,madalas natin  nararanasan  ang tinatawag na “climate change o global warming” o ang pag-init ng klima ng mundo. Ang usok ng sigarilyo ang isa sa dahilan ng pagkabutas ng ating ozone layer dahilan kung bakit sobrang init ang ating nararanasan ngayon. Hindi lang ang tambutso n gating mga sasakyan ang nagdudulot ng polusyon sa ating paligid kundi pati usok ng sigarilyo rin. Kung ating susuriin, hindi bat ang usok ng sigarilyo ay hihihitit at ibinubuga mo rin na maaaring makaapekto sa kalusugan mo at ng ibang tao na makakalanghap nito. Ang usok ng sigarilyo na naiinhale o naaamoy ng mga taong nakapaligid sa naninigarilyong tao ay tinatawag na second hand smoke. Ito ay mas mapanganib kesa sa usok na hinihithit mo sa sigarilyo mismo sa dahilang ito ay kung baga nakadaan na sa baga ng taong naninigarilyo bago maamoy ng mga tao sa sa tabi ng taong naninigarilyo. Hindi ba nakakakonsensya na parang pumapatay tayo ng kapwa natin habang tayo ay naninigarilyo? Ayon sa mga pag-aaral, maraming epekto ang sigarilyo sa kalusugan at buhay ng isang taong gumagamit o humihitit nito. Ito ay ang mga sumusunod:
1.       Pinaluluha ang mga mata at pinababaho ang buhok.
2.       Nagtataas ng presyon ang dugo at pinabibilis ang puso.
3.       Pinabababa ang temperatura sa mga daliri ng kamay at paa.
4.       Pinatataas ang peligro ng gangrene dahil sa mahinang sirkulasyon.
5.       Pinahihina ang panlasa at pang-amoy.
6.       Minamantsahan ang mga ngipin at mga daliri.
7.       Maaaring magdulot ng maagang pagtanda, tuyong balat at pangungulubot ng balat.
8.       Pinatataas ang peligro ng atake sa puso at stroke.
9.       Maaaring magdulot ng mga atake ng hika at pinalalala ang hika sa mga hikain.
10.   Nagdudulot ng paghihingal, pag-ubo, sipon, pulmunya, hindi gumagaling sa bronchitis.
11.   Maaaring magdulot ng kanser sa baga, lalamunan, larynx at windpipe.
12.   Nagdudulot ng paninikip ng mga daluyan ng dugo at paninigas ng mga arterya.(arteriosclerosis)
13.   Maaaring magdulot ng pagkabulag.
14.   Maaaring magdulot ng emphysema.
15.   Nagpapaigting sa mga panginginig ng mga kamay.
16.   Lumilikha sa pagdepende sa nikotina.


                Marahil marami na sa ating mga kabataan ang nakaranas na ng mawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa sakit na dala ng sigarilyo. Tulad nyo ako ay nakaranasan din ng sobrang kalungkutan at sobrang pag-iwas sa sigarilyo simula nang mamatay ang aking pinakamamahal na lolo. Tanging sigarilyo lang ang kanyang bisyo. Malakas ang loob ko sa inaakalang hindi ikakamatay ng lolo ko ang paninigarilyo dahil nga ito lang ang nag-iisa nyang bisyo. Ako ang tagabili ng kanyang sigarilyo sa kadahilanang ayokong malungkot ang aking lolo dahil sabi nya ay ito lamang ang kanyang libangan. Pagkaraan ng ilang taon, naooperahan ang aking lolo sa katarata. Sabi ng doktor ang katarata daw ay nakukuha sa labis na usok ng sigarilyo na tumatama sa kanyang mata. Dahil dito,nangako sya sa amin na ititigil na nya ang paninigarilyo dahil sa nakita nya at naranasan ang masamang dulot nito sa kanyang kalusugan at lubos syang nagsisisi. Tinigil nga ng lolo ko ang paninigarilyo ngunit huli na ang lahat, pagkaraan lamang ng ilang buwan sa di inaasahan ay binawian sya ng buhay. Masasabi ko pong ang aking lolo ay isang “chain smoker” dahil sa daming sigarilyo na nauubos nya sa isang araw. Kahit kelan ay hindi sumagi sa isip ko na ang sigarilyo pala na pinabibili sa akin ng aking pinakamamahal na lolo ang babawi ng kanyang buhay. Dito ko lalong naunawaan ang epekto ng sigarilyo sa ating buhay at mismo sa ating sariling kalusugan.
               

 Noong taong 2007, nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Subalit hindi pa rin nasupil ng gobyerno ang paninigarilyo ng maraming kabatan sa ating bansa. Noong nakaraang taon, naramdaman natin ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo sa ating bansa. Ngunit hindi rin naisakatuparan ng gobyerno ang layunin nitong bawasan ang dami ng naninigarilyo sa bansa bagkus ay dumami pa ang gumagawa nito at lalong dumami ang naghihirap sa bansa.
                Sa palagay ko hindi po natin dapat sisihin ang gobyerno, tayo po sa sarili natin ang gumagawa na ikakapahamak natin. Tayo ang dapat kumilos kapwa ko kabatan. Mismong sarili natin an gating dapat kontrolin sa ganitong bisyo. Huwag natin hayaan na dumating ang oras na pagsisisihan natin ang lahat. Magbago po tayo. Tulungan natin ang ating sarili at ating kapwa. Iwasan po ang paninigarilyo upang maging maayosat masugpo ang polusyon sa ating paligid.
  •  PAG-INOM NG ALAK


Ano nga  ba ang kahulugan ng pag-inom ng alak sa ating mga kabataan? Ayon sa aking mga naririnig at sa aking mismong karanasan, ito ang ginagawa ng maraming kabataan upang makalimot sa kanilang problema at upang magkaroon ng lakas ng loob kung sila man ay may kaaway, o may gustong sabihin sa nililigawan, kaibigan at maging sa kanilang pamilya. Paano nga ba natin malalaman kung sobra na ba ang alak na iniinom ng isang tao? Bagamat iba’t iba ang dami ng alak sa kailangan sa iba’t ibang tao upang malasing, maaaring magsilbing gabay ang sumusunod. Ayon sa mga iba’t ibang himpilan, ay pinakamarami ngunit katanggap-tanggap parin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit hindi lalampas ng 7 bote ng beer sa isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng gin, vodka, rum, o brandy na may 40% alcohol, hanggang 4 na shot (25 ml x 4 = 100mL) bawat araw ngunit hindi lalampas ng 14 na shot sa isang linggo. 

Ngunit marahil marami sa atin ang hindi nakakaalam na  ang paglalasing at pagiging manginginom ay maraming masamang epekto na naidudulot sa ating katawan at maging sa ating buhay. Marahil marami sa atin na ang alam ay nakakalaki lamang ng tiyan ang alak. Ngunit kung ating pag-aaralan,marami din epekto ang pag-inom ng alak at paglalasing sa ating kalusugan at pamumuhay.

1.       ANG TAONG LASING, NANLILIGAW SA DISGRASYA.

Alamin muna nating ang masamang epekto ng alak habang ang isang tao’y lasing. Ang alcohol sa katawan ay nakaka-apekto sa ating kakayahang magdesisyon. Dahil dito, maraming mga katangahan ang maaaring magawa habang lasing, kagaya ngpagmamaneho habang lasing, na isang pangunahing sanhi ng aksidente at kamatayan sa Pilipinas. Maaari ring mapaaway ang mga lasing na pwede ring magbigay-daan sa aksidente. Importante rin, ang kalasingan ay maaaring magdulot sa high-risk sexual behavior dahil inaalis nito ay hiya o inhibisyon sa mga tao.
Habang lasing, sira rin ang kakahayan na balansehin ang katawan. Maaaring matumba, madapa, matapilok, omakaranas ng iba’t ibang aksidente habang lasing.

2.       ANG PAGLALASING AY NAKAKASIRA SA ILANG PARTE NG KATAWAN.

Dumako naman tayo sa mga pangmatagalang epekto ng patuloy na paglalasing at sobrang pag-inom ng alak. Ang epekto ng alak sa atay ay ang pinakamabigat. Dahil ang alcohol ay isang lason sa katawan at ang atay ang pangunahing bahagi ng katawan na tiga-linis ng mga lason at iba’t ibang kemikal, kapag sobra ang nainom mong alak, hindi kinakaya ng atay na linisin lahat ng alcohol sa katawan, at ito’y namamaga at nasisira. Kapag tuluyang nasira ang atay – isang kondisyong tinatawag na cirrhosis – maaaring magtuloy-tuloy ang isang tao sa pakasira ng bato, coma, o kamatayan.
Hindi lamang atay ang apektado ng sobrang pag-inom ng alak. Pinakaganit ng alak ang mga ugat ng dugo, na maaaring magdulot ng high blood at sakit sa puso. Marami pang epekto sa katawan ang alak, gaya ng pagkasira sa utak ng mga brain cells, pagkasira ng pancreas, bangungot, at iba pa.

3.       ANG PAGLALASING AY NAKAKASIRA NG BUHAY.

Bukod sa mga epekto ng alak sa katawan, ang paglalasing ay nakakasira rin sa buhay. Ang pagiging-adik ay umuubos sa panahon at pagkakataong makapag-aral, makapagtrabaho, at maging kapakipakinabang na miyembro ng pamilya at lipunan.

Hihintayin pa po ba natin na maging ganito ang katawn natin? Huwag magpa-alipin sa alak lalo na tayong mga kabataan upang hindi masira ang ating pag-aaral! Kung ikaw o isang kakilala mo ay sa palagay mo’y adik sa pag-inom ng alak (alcoholic), huwag mag-atubiling lumapit sa doktor para makahingi ng tulong at malampasan ang problemang ito.


  •   PAGGAMIT NG MGA IPINAGBABAWAL NA GAMOT



Ang pagkalulong sa bawal na gamot (drug addiction) o ang pagkahumaling, pagkaadik, o adiksyon ng isang tao sa mga pinagbabawal na gamot. Isa itong uri ng katayuan o karamdaman na mahirap tanggalin at iwasan ng isang taong nasa ganito nang kalagayan, o ng taong nagumon na sa pagkasanay. Ang epekto ng labis na paggamit ng droga sa mga kabataan ngayon, ay pagdami ng mga krimen, mga minor de edad na ang mga gumagawa ng kaharasan ngayon, dumarami rin ang mga kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil sa paggamit ng droga. Ito ay nakakasira din sa ating katawan dito maaari tayong magkasakit ng malubha at nauuwi sa pagkamatay ng tao, at sa mata ng Diyos kasalanan ang pag aabuso sa atin katawan, nagbibigay ito ng mga suliranin sa ating buhay.
sa aking kaalaman nasa magulang parin ng kabataan ang kanilang kinabukasan kung nabibigyan sila ng sapat na atensyon hindi maliligaw ang mga kabataan sa paggamit ng droga.
Dahil sa masamang epektong dinudulot ng droga, hinihikayat ko po ang mga kabataan na tigilan na ang paggamit ng ganitong mga ipinagbabawal na gamot at makisapi o dumalo sa mga programang inilulunsad ng ating gobyerno sa mga kabataan para sa pagsugpo at pag-alis ng mga drogang pumapasok at lumalabas sa ating bansa. Hinihikayat ko rin po na ang mga kabataan na lubos na nakakaunawa ay gumawa ng hakbang upang matulungan ang ating gobyerno sa pagsupil nito. Maaaring gumawa po tayo o sumali sa mga organisasyon ng mga kabataan na naglalayong maiwasan ang paggamit ng droga sa ating bansa. Tulungan po natin ang ating mga kapwa na kasalukuyang nalululong sa ganitong bisyo. Iligtas po natin ang kanilang sarili sa kapahamakan.
  •       KONKLUSYON

Maraming dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa masamang bisyo. At ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan. Dahil sa hirap ng buhay, walang trabaho, walang pagkakakitaan, hindi makapag-aral at walang pagkakaabalahan matututo silang gumamit ng droga para pansamantalang makalimutan ang kanilang mga problema. Maaari din nila itong gamiting pampalakas ng loob para gumawa ng krimen o panandaliang pagkakakitaan tulad ng panghoholdap at pagnanakaw.
Nandyan din ang kawalan ng suporta mula sa pamilya. Kulang sila sa atensyon, pag-aalaga at pagmamahal mula sa magulang at sa lipunan. At hahanapin nila ito sa paggamit ng droga para takasan ang sakit ng kalooban.
Isa ring dahilan ay ang pagsama sa maling barkada o itinuturing na mga kaibigan. Sila ang naglulugmok sa mga walang muwang na mga kabataan. Kaya marapat lamang na kilalaning mabuti at piliin ang mga taong sinasamahan at kinakaibigan. Paggabay ng magulang at lipunan ay mahalagang kailangan ng bawat kabataan.


  •       PAANO MAIIWASAN NG MGA KABATAAN ANG MGA MASASAMANG BISYO?

Sa akin pong palagay, dapat nating patibayin ang samahan at pagmamahalan sa pamilya. Tamang impormasyon galing sa gobyerno kung saan sinasabi ang masamang epekto at dulot ng masasamang bisong mga nabanggit. Kailangan din nilang sugpuin at ipairal ang kamay na bakal sa mga kapulisan at batas para mawala na ang droga. Piliin ang mga sasamahang barkada o kaibigan. Maghanap ng makabuluhang pagkakaabalahan tulad ng isports at pagsali sa mga programa ng bayan gaya ng Clean Air Act, Sagit Dagat at iba pang programang nakakatulong sa bayan at mga tao.


KAPWA KO KABATAAN KUMILOS PO TAYO… HUWAG TAYONG MAGPADALA SA TUKSO NA NAGBIBIGAY NG MASASAMANG EPEKTO SA ATING BUHAY… HUWAG NATIN HINTAYING HUMANTONG SA PINAKAMALALANG KUNDISYON AT MASIRA ANG ATING BUHAY AT MAUWI SA KAMATAYAN... HUWAG TAYONG MATAKOT...MAGBAGONG BUHAY TAYO...IPAKITA NATIN SA ATING HENERASYON NA NAGSISILBING “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG ATING BAYAN”. SA ATING PAGBABAGO AT KUNG ANO MAN ANG ATING TATAHAKIN SA ATING BUHAY, HUWAG PO NATING KALIMUTAN ANG MAGDASAL… KILOS KABATAAN!



 
GODBLESS US!!



9 (na) komento:

  1. Paano ako matutulungan ko sa kaibigan kong nallong sa bisyo

    TumugonBurahin
  2. Natuto po ako manigarilyo nung 9 years old ngayon po 15 na po ako pero hindi ko po alam kung paano iiwasan ang naka putang inang bisyo na ito pero nung nabasa ko ito nagkaroon ako ng self confidence naisip ko na bat ako magpapatalo sa walang kwentang bisyo eh nasa akin ang diyos at pagmamahal ng pamilya.

    TumugonBurahin
  3. Bet365 1xbet korean - Bet on soccer in Korea - legalbet.co.kr
    Bet365 Bet Credits - When you deposit via a Bet365 Card or debit card, you'll be automatically credited to your 1xbet online account and your account details will be

    TumugonBurahin
  4. Jammin' Jars Casino & Hotel - Mandir - Jeopardy! - JTHub
    JTHub is the leading content provider for Jeopardy! 충청북도 출장샵 In-depth reviews, sign-up, games, exclusive bonuses, and more, 하남 출장마사지 plus more to 경상북도 출장샵 help 대구광역 출장샵 you find 익산 출장샵

    TumugonBurahin